Matagumpay na ginanap ang pangkalahatang oryentasyon at panunumpa ng mga opisyal ng Isabela State University – Angadanan Campus noong Huwebes, ika-29 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Campus Gymnasium.
Dinaluhan ng mga mag-aaral na nasa unang antas, transferees, mga bagong halal na opisyal ng SSC, iba’t ibang opisyal mula sa mga kolehiyo at programa kasama ang ilang mga faculty at staff ang oryentasyon at panunumpa ng mga opisyal. Pinangunahan ang nasabing oryentasyon ng opisina ng serbisyong mag-aaral na pinamumunuan ni Bb. Ma. Theresa R. Respicio, mga naitalagang namumuno at tagapayo sa bawat opisina kasama ang mga Supreme Student Council (SSC) officers na siyang naging punong abala na nasabing gawain. Layunin ng oryentasyon na ipakilala at ibahagi sa mga mag-aaral ng ISU-AC ang mga programa at serbisyong ibinibigay ng opisina katulad na lamang ng serbisyo sa security, guidance and counseling, health, student organizations, sport, socio-cultural, scholarship, business enterprise, housing and food, at library services. Ipinakilala din dito ang ilang mga gawain at serbisyong maaari nilang matanggap at salihan gaya ng extension and training, research development at ang gender and development services.
Bilang bahagi ng programa, ipinamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa pagsayaw at pag-awit kung saan bawat kolehiyo at programa ay nagkaroon ng mga kinatawaan na nagpakita ng kanilang talento. Sa kabilang banda, bilang parte ng pagsisimula ng taong panuruan sa pamumuno ng bagong halal na opisyal naganap rin ang pagpasa ng key of responsibility ni G. Ariel Jay Rumbaoa, 2021-2022 SSC President sa bagong mamumuno nito na si G. Renante F. Peralta. โBeing a student leader, it is not easy for us to manage our time. But, as I accept this responsibility and the tasks bestowed upon me, I understand that I have to fulfil my duty and carry out this responsibility with all my ability. I, together with my colleagues, do hereby pledge to uphold the ideals of the supreme student government by pursuing its core values and thrusts…โ pagbabahagi ni G. Peralta sa kaniyang mensahe bilang bagong halal na Pangulo ng Supreme Student Council (SSC). โI will not promise anything other than my capacity to provide an example worthy of imitation…As part of the new leadership, we will seek to carefully develop camaraderie among the teachers, officers, and students.โ dagdag pa nito.
Kasunod nito, nanumpa ang buong opisyal ng SSC at mga opisyal sa iba’t ibang organisasyon at klasrum. Dahil sa suporta ng Administrador ng Kampus na si Dr. Oscar G. Bangayan kasama ang mga tagapayo ng organisasyon at klasrum ang nasabing oryentasyon at panunumpa ng mga opisyal ay matagumpay na naisagawa.